Marami talagang mga "usi" sa mundo. Tulad ngayon. Nagcocomputer ako rito sa bahay, ang daming nanonood. Nandiyan si Red, (bunso kong kapatid) patingin-tingin tapos maya-maya ('pag may nakitang picture), magtatanong nang "Sino 'yan ate?". Ako naman, sasabihin ko "si [pangalan nung may picture]" hanggang sa magkwento na ako ng halos talambuhay nung nasa picture (Kapag kilala ko) pero kapag hindi ko naman kilala sasabihin ko "Ewan ko." Naku may follow-up question pa 'yang si Red na "Ba't nandiyan?" Hindi na ako sasagot. Kapag nagtanong pa ulit "Sino 'yan ate?" (Sa iba namang picture), hay naku sinasagot ko na ay "Mahabang kwento."
Sunod naman ay si Rhaisa (pangatlo sa aming magkakapatid). Naku over 'yan kung maka-usi. Mas maraming tanong kay Red. Minsan nga hindi ko pa nasasagot 'yung isa may tanong na naman siya. Ganito siya magtanong eh "Ate ano 'yan?" Sasagot ako, tapos kahit hindi nakakatawa eh tatawa siya tapos magtatanong ulit. Minsan nga hindi na ako sumasagot (kunwari wala akong narinig), minsan naman nagagalit na ako. Nakakaasar naman kasi, lahat papansinin.
Si Richmund (Sunod sa akin; panganay kasi ako). Siya naman eh magmamasid muna bago magtanong. Sasabihin niyan "Wow, ano 'yan Ate?" (Kailangan sagutin mo siya kasi magagalit siya kapag hindi mo sinagot) "Ay 'yan ba...," sagot naman ako. Minsan hindi ko siya sinasagot kaya sasabihan niya ako ng "Ang damot mo talaga!". Keber na la ng ako. Sa ibang pagkakataon naman, nakatingin lang siya - simpleng nood lang (pero tinatandaan na pala 'yung mga url ng websites na pinupuntahan mo). Pagkatapos nun makikita mo na lang na ginaya ka na pala niya. Halos magkaparehas na kayo ng widgets o applications!
Pero at least natututo sila sa pagiging "usi" nila sa akin. Naisip ko na lang, it's one way for them to learn new things...
Magaya nga sila. Magpapaka-usi rin ako 'pag sila naman ang nagcomputer... Tiyak matututo rin ako ng bago.
Wahahahahah!!! Viva La Usi!
0 comments:
Post a Comment