Wanna have a free laptop? Know how by clicking the ad below

Friday, May 15, 2009

I want to earn money (at home)

Yes, I want to earn money but I don't want to work outside our house... (lazy?) I don't want to spend my time traveling (going to office-going home), walking under the sun/rain, and even facing too many people NOW. What I just thought of is to earn by just blogging! (as simple as that) I don't care how much money I will earn here because I'm enjoying it and I love it! I made a blog that tackles anything about being "hard-headed" or stubborn" (pasaway sa Tagalog) and its url is http://juanpasaway.blogspot.com. That blog is not just about me, but about any "hard-headed Filipinos" (that's why it's juan-pasaway).


I don't have any job experiences because "studying" is my priority. I am thinking that if I work, I would have a difficulty of balancing my time (time management). I chose blogging because I can do it during my free time and I don't have to work on it for many hours (one-hour blogging will do). My love of expressing my thoughts led me to create a blog like this . Through this I can express my insights, opinions and observations without wasting any paper or ink of a pen because all I have to do here is type what I'm thinking of.


Many people now are fond of blogging, and I am not wondering why they find it as their hobby.


I just hope that this would be a success...

Tuesday, May 12, 2009

Mga "Usi" sa Bahay

Usi - Noun. (short for usisero/usisera); synonym - tsismoso/tsismosa.


Marami talagang mga "usi" sa mundo. Tulad ngayon. Nagcocomputer ako rito sa bahay, ang daming nanonood. Nandiyan si Red, (bunso kong kapatid) patingin-tingin tapos maya-maya ('pag may nakitang picture), magtatanong nang "Sino 'yan ate?". Ako naman, sasabihin ko "si [pangalan nung may picture]" hanggang sa magkwento na ako ng halos talambuhay nung nasa picture (Kapag kilala ko) pero kapag hindi ko naman kilala sasabihin ko "Ewan ko." Naku may follow-up question pa 'yang si Red na "Ba't nandiyan?" Hindi na ako sasagot. Kapag nagtanong pa ulit "Sino 'yan ate?" (Sa iba namang picture), hay naku sinasagot ko na ay "Mahabang kwento."


Sunod naman ay si Rhaisa (pangatlo sa aming magkakapatid). Naku over 'yan kung maka-usi. Mas maraming tanong kay Red. Minsan nga hindi ko pa nasasagot 'yung isa may tanong na naman siya. Ganito siya magtanong eh "Ate ano 'yan?" Sasagot ako, tapos kahit hindi nakakatawa eh tatawa siya tapos magtatanong ulit. Minsan nga hindi na ako sumasagot (kunwari wala akong narinig), minsan naman nagagalit na ako. Nakakaasar naman kasi, lahat papansinin.




Si Richmund (Sunod sa akin; panganay kasi ako). Siya naman eh magmamasid muna bago magtanong. Sasabihin niyan "Wow, ano 'yan Ate?" (Kailangan sagutin mo siya kasi magagalit siya kapag hindi mo sinagot) "Ay 'yan ba...," sagot naman ako. Minsan hindi ko siya sinasagot kaya sasabihan niya ako ng "Ang damot mo talaga!". Keber na la ng ako. Sa ibang pagkakataon naman, nakatingin lang siya - simpleng nood lang (pero tinatandaan na pala 'yung mga url ng websites na pinupuntahan mo). Pagkatapos nun makikita mo na lang na ginaya ka na pala niya. Halos magkaparehas na kayo ng widgets o applications!


Pero at least natututo sila sa pagiging "usi" nila sa akin. Naisip ko na lang, it's one way for them to learn new things...

Magaya nga sila. Magpapaka-usi rin ako 'pag sila naman ang nagcomputer... Tiyak matututo rin ako ng bago.

Wahahahahah!!! Viva La Usi!

Monday, May 11, 2009

Blog.Blog.Blog...


This is my second blog here in blogger. It's really fun blogging, type ka lang 'pag wala kang magawa. Pero ang maganda niya, tulad ng pagsusulat, magsulat ka lang ngmagsulat (magtype ka lang ng magtype). Saka ka na mag-edit. Naniniwala kasi ako na mas may "emotion" ang akda kapag hinayaan mo lang isulat (o itype) ng kamay mo ang laman ng utak mo. Kung ano ang naiisip mo. Don't be too critic to yourself. Konting mali, bura. Hindi dapat ganun. Hayaan mo lang ang sarili mo. Mamaya niyan b ka ng bura hanggang sa wala kang matapos.

Kung ako sa'yo (kung wala ka pang blog), gumawa ka na... Wala namang mawawala sa'yo eh. You can type anything on your blog anytime. Hindi mo kailangan ng maraming oras. You could open your account during free time. Ilabas mo kung ano ang nasa loob mo, malay mo, magbunga ng maganda ang creative side ng utak mo. There's nothing wrong in trying if you know your limitations.

Go and blog now!

(you can also visit my other blog at http://juanpasaway.blogspot.com)